After a year of being together, Alden Richards and Maine Mendoza finally tied the knot on October 22 at the Christ the King Church in Quezon City. The two were married in front of their friends and family with a live coverage on the noontime show “Eat Bulaga.”
Here are Alden and Maine’s wedding vows:
Alden: “Maine, nung una kitang nakita sa TV, kasama mo si Lola Nidora. Nu’n agad nakita ko kung gaano ka kasungit, lagi kang nakasimangot; tapos hindi mapinta ang mukha mo. Pinapanood kita, iniisip ko kung ano ang gagawin mo ‘pag nakita mo ako. Kaya ang laki na lang nang tuwa ko nung ngumiti ka sa akin …with matching ‘pabebe wave’ pa. Kahit madalas kang nagwa-wacky face kapag nada-dubsmash, gandang-ganda pa rin ako sa’yo. Mula nun nagkagusto na ‘ko sa’yo. Nang may humadlang sa atin, hindi ako sumuko dahil alam ko na tayong dalawa ay para sa isa’t isa. Pinapangako ko, na sa bawat paggising mo, hanggang sa pagtulog mo, hahawakan ko ang mga kamay mo; yayakapin ko ang puso mo. Gusto kong malaman mo Maine na nagpapasalamat ako dahil nakilala kita. At simula sa araw na ito, pinapangako sa’yo na sa lahat ng mangyayari sa buhay mo na kasama ako, sisiguraduhin ko ‘yon ang mga pinakamagagandang pangyayari sa buhay nating dalawa.”
Maine: “Alden, hindi ko makalilimutan na sa split screen nagsimula ang lahat… nag- ‘Twerk it like Miley’ ka pa no’n. Akala ko nga hindi mo ako papansinin kasi… sino ba naman ako di ba? isang ordinaryong babae lang naman. Pero ngumiti ka, tapos nakita yung dimples mo, siyempre kinilig ako. Lalo kang gumuwapo sa paningin ko. Mula noon, hinintay ko ang araw na tayo’y magkikita, magkakakilala. Alam mo ngayon, tumatalon yung puso ko sa saya. Mas marami pang oras at araw kitang makakasama, at sa totoo lang, wala na talaga akong mahihiling pa. Salamt Alden dahil tinuruan mo akong magmahal nang wagas at walang takot. Salamat dahil ipinaglaban mo ang pagmamahalan natin; ipinaglaban mo ang pamamahal mo sa akin. Asahan mo na ipaglalaban ko rin ang pagmamahal ko para sa’yo hanggang sa dulo. Pangakong aalagaan kita hanggang sa tayo ay tumanda; pangakong hindi kita pababayaan; pangakong palagi kitang sasamahan; pangakong hinding hindi kita iiwan. Mamahalin kita nang buong-buo, mamahalin kita nang walang kapantay, habambuhay.”
The post Alden Richards, Maine Mendoza exchange wedding vows in ‘Kalyeserye’ appeared first on LIONHEARTV.