Quantcast
Channel: LionhearTV
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18628

Daily Horoscope: June 12, 2018 – Tuesday

$
0
0

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong mag-alala sa iyong problema. Tiyak naman na makaka-isip ka rin ng solusyon para rito. Tamang diskarte lang ang kailangan.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo ngayong araw sa iyong partner. Pakinggan mo muna ang sasabihin niya bago ka mag-react.
Money/Career:
Huwag ka susuko kaagad sa mga problema. Tibayan mo lang ang iyong loob para malabanan ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19

Taurus (Apr 20 – May 20)
May mga bagay na mangyayari ngayong araw kaya maaaring madelay ang iyong ginagawa na proyekto. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong senti ngayong araw. Gawin mo na lang ang iyong favorite hobby para sumaya ka.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil may chance na ma-misunderstood ka dahil sa iyong mga kinikilos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22

Gemini (May 21 – Jun 20)
Iwasan mong madepress ngayong araw. Tawagan mo ang iyong mga kaibigan para naman mailabas mo ang sama ng iyong loob.
Love:
Couples: Kung meron kayong gustong subukan na bago, gawin ninyo ito pero dapat ay mag-ingat pa rin kayong dalawa.
Money/Career:
Magrelax ka muna ngayong araw. Kung gusto mong magshopping, gawin mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang gustong gawin, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Iwasan mong maging tamad ngayong araw. Kumilos ka dahil tiyak na marami ka pang gagawin.
Lucky color: Red
Lucky number: 17

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magtipid ka muna sa ngayon. Tiyak na kakailanganin mo ang pera sa mga susunod na araw, kaya magdalawang-isip ka sa paggastos.
Love:
Singles: Kung may problema sa iyong pamilya, ayusin ninyo ito kaagad para naman hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
May pagbabago na darating sa iyong trabaho, pero may chance na magustuhan mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 11

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka sa mga kakainin mo ngayong araw,dahil may chance na sumakit ang iyong tiyan. Magluto ka na lang muna at huwag umorder sa labas.
Love:
Couples: Bigyan mo ng oras ang iyong pamilya sa ngayon. Subukan mong yayain ang iyong partner para makapagbonding kayong lahat.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung hindi pa nangyayari ang iyong gusto. May tamang oras para diyan.
Lucky color: White
Lucky number: 12

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging positive ka lang palagi. Hindi man maganda ang nangyayari sa iyo lately, mas maganda kung lalakasan mo ang iyong loob para harapin ang mga ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gumawa ka ng bagay na sosorpresa sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bilhin, siguraduhin mo muna na gagamitin mo talaga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Galingan mo sa iyong mga gawain. Tiyak na kakalabanin ka ng ibang tao kaya naman gawin mo ang lahat ng iyong makakaya.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner lalo na kung meron siyang favor sa iyo. Pagbigyan mo na lamang siya kung kaya mo naman.
Money/Career:
Mukhang sisipagin ka na sa trabaho sa mga susunod na araw kaya marami ang matutuwa sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 16

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Ito na ang tamang panahon para itigil mo ang mga hindi importanteng bagay na kumakain lamang sa iyong oras.
Love:
Singles: Huwag kang mag-alala kung hindi mo pa nakikita ang taong nakalaan para sa iyo. Baka siguro ay hindi pa siya handa para sa isang relasyon.
Money/Career:
Purihin mo ang isang tao ngayong araw lalo na kung maganda naman ang kanyang mga nagawa.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 21

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may taong mags-share ng sikreto niya sa iyo. Gawin mo ang lahat para hindi mo ito ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong magparamdam sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil tiyak na type mo rin siya.
Money/Career:
Huwag kang susunod sa gusto ng ibang tao lalo na kung napipilitan ka lamang.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 10

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maghintay ka lang at tiyak na darating din ang chance na inaasam mo. Habaan mo ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang isang tao na wala namang pagtingin sa iyo. Ikaw lang ang tiyak na masasaktan sa huli.
Money/Career:
Huwag kang tumanggi sa favor ng iyong mga kaibigan, lalo na kung lagi naman silang tumutulong sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nabo-bore ka na sa mga ginagawa mo araw-araw, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman mabuhayan ka.
Love:
Singles: Diskartehan mo na ang isang tao kung talagang gusto mo siya at baka maunahan ka pa ng iba.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 20

The post Daily Horoscope: June 12, 2018 – Tuesday appeared first on LionhearTV.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18628

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>